| I was am supposed to be making a concept map of my thesis but I ended up writing here. Sorry LJ for neglecting for such a long time. I was reminded of it since my topic is, well, about blogging.
Hindi ko alam kung paano ko ilalagay dito pero alam kong dapat ko itong isulat. Basta, ang masasabi ko lang, I love this feeling but I know that I need to stop myself from feeling it before I get disappointed. Bakit ba kasi narinig ko pa yung usapan na yung kanina. At bakit ba kasi nagkaganunan pa sa FB. Sabi nga dati nung counselor, masyado daw akong nag-eexpect sa mga tao. Kaya ngayon, I shall not expect. I shall stop this. Tomorrow is really goodbye to that feeling. Magpapakasaya na lang ako sa buhay na walang iniisip na kung sino man.
Gusto kong magtimezone. Gusto kong magdrummania, magguitar freaks, magbasketball, magmario kart, magdance revo... I need a distraction. Catharsis.
Morg live nung Friday. First time kong umuwi nang gabi dahil lang sa isang event. Alam niyo naman ako, taong-bahay. Kaya nga wala akong curfew eh. Kasi alam ng mga tao na ako mismo ang uuwi ng maaga dahil ayoko na ngang nagcocommute (dahil hassle dito at ilang beses ko nang nafeel na mamamatay ako dahil sa mga lecheng patok na jeep na nasasakyan ko sa Marcos Highway), mas lalo pa pag gabi. Anyway, ako ang nakakuha ng original #001 ticket :D oo masaya na ko sa ganyan. Haha. Sulit naman. Sobrang sulit. Yun nga lang, may mga hindi ako napanood kasi kailangang makaalis na ako na bukas pa ang LRT2 sa Recto.
Speaking of music, narediscover ko ang Up dharma Down. Paulit-ulit kong pinapatugtog ang "Oo" at "Pag-agos". Badtrip lang kasi noong pumupunta pa ako sa iba't-ibang gig, hindi ko sila maappreciate. I love UdD!
Nawawala ang cd ko ng Paramita.
Hindi na ako sanay magblog. Pero ayokong tignan yung luma kong blog sa tabulas because I know that it's absolutely cringe-worthy. Bow.
Not even the pic of Macky's ex can uplift my mood now. |